iFM Laoag – Matagumpay na sinimulan ng Mariano Marcos State University sa Lungsod ng Batac ang kanilang kauna-unahang face-to-face classes simula kaninang umaga para sa mga estudyante sa kolehiyo.
Ganun paman, ayun kay Dr. Shirley Agrupis, pangulo ng unibersidad ay limitado lamang ito sa mga mag-aaral na may mga laboratory subjects sa kanilang kurso, at patuloy parin ang iba sa mga online classes.
Upang maiwasan naman ang siksikan, kinakailangan nilang mag-iskedyul mula Lunes hanggang Biernes, at Sabado at Linggo naman sa Graduate School o mga kumukuha ng Masters Degree.
Istrikto ang paaralan sa pagsunod ng minimum health standards. Kailangan magbaon ng merienda at pananghalian ang mga estudyante at guro upang hindi na kailangan pang lumabas at pagala-gala sa campus.
Sa ngayon, nasa ilalim parin ang Lalawigan ng Ilocos Norte sa Alert Level 3 at limitado parin ang galaw ng mga tao hanggang ika-akinse ng buwan ng Pebrero ngayong taon. |via Bernard Ver, RMN News