
Kinilala ang Unilab, Inc. bilang highest-ranked company of ASEAN Origin sa ginanap na Time Magazine at Statista’s Asia-Pacific Best Employers Ranking.
Nakakuha ang Unilab ng score na 89.15 out of 100, na naglagay sa kanila sa ika-24 na pwesto sa 500 kompanya sa buong rehiyon ng Asia-Pacific.
Nanguna rin ang Unilab sa mga kompanya sa Pilipinas na nakasama sa listahan.
Ito ay batay sa independent survey ng higit sa 80,000 empleyado sa buong rehiyon, kung saan sinuri ang workplace reputation at employee recommendations ng bawat kompanya.
Binibigyang-diin ng tagumpay na ito ang patuloy na dedikasyon ng Unilab sa kapakanan ng mga empleyado habang ipinagpapatuloy ang serbisyong pangkalusugan mula nang itinatag ito.
Facebook Comments










