Ginamit na pagkakataon ng New People’s Army ang nakaraang unilateral ceasefire ng gobyerno upang mang rekrut ng mga bagong kasapi nila.
Ito ang pahayag ni LTC Vladimir Cagara, ang pinuno ng 86th Infantry Battalion na may sakop sa buong lalawigan ng Isabela at Quirino sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News Team.
Magugunita na nitong nakalipas na mga buwan ng 2017 ay may mga aktibidad ang mga NPA sa lugar ng kinasasakupan ng operasyon ng 86th IB at kabilang dito ang pagsalakay sa police station sa Maddela, Quirino, pagkakalandmine sa anim na sundalo, paglikas ng ilang sibilyan sa Quirino, panununog ng nga NPA sa isang backhoe at pagkasawi ng dalawang NPA sa isang nangyaring bakbakan sa San Mariano, Isabela
Sinabi pa ng Colonel na noong panahon ng ceasefire ay hindi makapag kasa ng operasyon ang mga militar at siya namang ginawang pamanghikayat ng mga bagong kasapi ang mga NPA.
Sa katanungan tungkol sa sinseridad ng mga rebelde sa peacetalks kaugnay sa tuloy nilang pagrerekruta habang ang gobyerno ay di umaatake ay kanyang sinabi na ang pakay ng NPA ay para sa isang pangmatagalang giyera na ang pinaka dulo nilang plano ay salakayin ang mga siyudad mula sa mga nakapalibot na kanayunan sa pamamagitan ng armas kaya tuloy pa rin ang kanilang paghikayat sa mga sasapi sa kanila. Kaya maski ang sinasambit nila ay kapayapaan ay taliwas ito sa kanilang ginagawa.
Kanya namang ipinaliwanang na walang problema sa kanya ang kaisipang komunista at mga kakonektang isyu nito kasi maari na rin itong dalhin sa lebel ng kongreso pero iba na kapag mag aarmas, papatay, mangingikil at mananakot dahil gagawin naman ng militar ang kanyang mandato.
Magugunita na hanggang ngayon ay hindi pa rin napipirmahan ni Pangulong Duterte ang pormal na pagpapatigil ng usapang pangkapayapaan matapos itong madiskaril .