United Nations General Assembly sa New York, hindi dadaluhan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly ngayong September.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na una nang nabanggit ng chief executive na babawasan niya ang kanyang foreign travels.

Ito’y para mas mabigyan ng pansin ang domestic concerns o mga nangyayari sa bansa gaya ng rehabilitasyon ng Marawi City.


Ang 72nd UN General Assembly ay nag-convene na noong September 12, sa New York.

Pero ang general debate ay isasagawa sa September 17, habang magtatagal ang event hanggang September 25.

Facebook Comments