Universal Health Care, Dapat Bantayan- Ex-Sen. JV Ejercito

Cauayan City, Isabela- Dapat umanong tutukan at siguraduhin na may sapat na pondo ang Universal Health Care Law upang higit na makatugon ang pamahalaan sa usaping pangkalusugan.

Ito ang inihayag ni Ex-Sen. JV Ejercito sa kanyang pagbisita ngayong araw sa Cauayan City,Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa dating Senador, kailangan umanong paigtingin ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang kanilang pagpapatupad sa batas na ito dahil sila umano ang nagsisilbing ‘implementing arm’.


Ayon sa dating opisyal, hindi lang PhilHealth ang dapat sisihin sa isyung ito dahil marami umanong nagsasamantala.

Posible umanong may sabwatan na naganap sa pagitan ng ahensya, doctor at hospital kung kaya’t iginiit nito na dapat may maparusahan sa ilalim ng batas.

Sana lang umano ay matigil na ang sabwatan at maibigay ang pondo sa higit na nangangailangang mga Pilipino.

Samantala, dapat rin aniya na matapos ang lahat ng mga naumpisahang na proyekto gaya ng city at district hospital maging ang mga primary clinic upang maging maganda ang healthcare system ng bansa.

Facebook Comments