UP-Diliman, muling isinara ang academic oval at iba pa nitong public spaces dahil sa pagsipa ng COVID-19

Muling isinara sa publiko ngayong araw, January 10 ang academic oval ng University of the Philippines-Diliman bilang pag-iingat sa biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng UP Diliman Campus, hindi muna papayagan ang anumang aktibidad sa 2.3 km na oval hangga’t nanatili sa high risk ang National Capital Region.

Maliban sa UP Oval, pansamantala ring sarado sa publiko ang iba pang pampublikong espasyo sa loob ng UP.


Humingi naman ng pang-unawa sa publiko ang pamunuan ng UP Diliman partikular sa mga gumagamit sa UP Academic Oval sa anumang uri ng pag-eehersisyo.

Facebook Comments