Court of Tax Appeals, naglabas ng work arrangement sa harap ng patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa NCR

55

Nagpatupad ng work arrangement ang Court of Tax Appeals ngayong araw kasunod ng pagkakadeklara ng Department of Health (DOH) sa National Capital Region (NCR) bilang high risk dulot ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.

Magkakaroon din ng skeleton staff ang presiding justice at mga associate justices.

Magsasagawa na lang ng video conferencing sa pagdinig ng mga nakabinbing kaso urgent man o hindi alinsunod sa magiging pasya ng presiding justice o chairperson ng mga divisions.


Isasagawa rin ang raffle ng mga kaso sa pamamagitan ng video conference.

Lahat ng mga essential offices, services at division ng CTA ay naka-skeleton staff habang on call ang lahat ng pinuno ng mga naturang tanggapan.

Facebook Comments