Top 7 Most Wanted Person sa Listahan ng PNP DEG, Timbog sa Caloocan City

23
Cauayan City, Isabela- Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 7 Most Wanted Person sa listahan ng PNP Drug Enforcement Group (PNP DEG) sa 908 Franville 2 Subdivision, Camarin Area A, Caloocan City.

Matapos ang halos kalahating dekada ng pagtatago sa batas, matagumpay rin nahuli ng mga otoridad kahapon ang suspek na si Marfe Galasinao, 38 anyos, trabahador at residente ng Taggapan St., Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Hinuli si Galasinao ng mga tauhan ng Cadena de Amor Police Station sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte para sa kasong paglabag sa Article II, Sections 6 at 12 ng Republic Act 9165.

Nasa kustodiya ng mga umarestong pulis si Galasinao para sa booking procedures bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments