Manila, Philippines – Pumasok ang University of the Philippines (UP) at De La Salle University (DLSU) sa listahan ng mga pinakamahusay na unibersidad sa Asia-Pacific Region.
Base sa latest rankings ng London-based Times Higher Education (THE), patuloy na umaangat sa pwesto ang UP, mula sa 151st hanggang 160th nitong 2018 ay nasa 101st hanggang 110th sa ngayong taon.
Sa unang pagkakataon naman ay nakapasok ang La Salle sa 201st hanggang 250th .
Ang Asia-Pacific university rankings ay sinuri ang nasa 320 pamantasan mula sa 13 bansa sa East Asia, Southeast Asia at Oceania.
Ibinase ang rankings sa limang aspeto: teaching, research, citations, industry income at international outlook.
Ang Japan ang may pinakamaraming unibersidad na pumasok sa listahan na may 103, na sinundan ng China na may 72, Australia na may 35, Taiwan na may 32, South Korea na may 29 at Thailand na may 14 na pamantasan.