Tiniyak ng Office of the Student Regent University of the Philippines (UP) na walang estudyante ang makakakuha ng bagsak na marka ngayong semestre.
Sa isang Twitter post, sinabi ng Office of the Student Regent na ipapairal nila ang no fail policy at maglalabas sila ng guidelines ukol dito.
Ginawa ang UP authorities ang desisyon sa gitna ng mga panawagan na itigil na ang kasalukuyang semestre at ipasa ang mga estudyante dahil sa epekto ng sunod-sunod na kalamidad.
Maituturing naman itong tagumpay ng mga grupo ng mga faculty members at mga student organizations na nagpaikot ng petisyon ukol dito.
Facebook Comments