UPDATE | 128 na bagong kaso ng HIV, naitala noong Agosto

Manila, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa.

Sa datos ng HIV/AIDS Registry of the Philippines, 128 na bagong kaso ng nakakahawa at nakamamatay na sakit ang naitala noong buwan ng Agosto.

98% o 125 sa mga ito ay mga lalaking may edad mula 18 hanggang 60 years old.


Lahat ng mga bagong kaso ng HIV ay nakuha sa pamamagitan ng “paid sex” o pagbabayad ng panandaliang aliw.

Ayon pa sa Deparment of Health, 44 na lalaki at tatlong babae na HIV positive ay umaming nagpapabayad para makipagtalik.

66 na lalaki naman ang umaming nahawaan sila pagkatapos makipagtalik sa bayarang partner.

Sa kabuuan, may naitalang 941 na kaso ng HIV na dahil sa “paid sex” mula Enero hanggang Agosto ng taong ito.

Mula noong December 2012 hanggang noong Agosto ay may 5,576 na kaso ng HIV ang naitala sa Pilipinas.

Ayon naman sa World Health Organization, may 20% decline ang insidente ng HIV sa buong mundo.

Pero kabaliktaran ang sa Pilipinas kung saan may 140% increase sa kaso ng HIV nitong nakaraang walong taon.

Facebook Comments