UPDATE | Babaeng tumalon sa SM North, dumaranas umano ng postnatal depression disorder

1004

Manila, Philippines – Kinilala na ang babae na tumalon sa kaniyang kamatayan mula sa ikaapat na palapag ng SM North Annex sa Edsa.

Ayon kay Police Superintendent Lito Mantala, police station 2 commander, kinilala ng kaniyang mga kaanak ang nasawi na si Girlie Mercado 47 anyos na residente ng Navotas City.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng QCPD at batay sa salaysay ng mga kaanak ng ginang dumadanas ito ng postnatal depression, isang uri ng mood disorder na iniuugnay matapos manganak ang isang babae.

Ang sintomas ng karamdamang ito ay nagdudulot sa isang babae ng matinding kalungkutan, panghihina, iritable, pag iiyak, pagkabahala at pagbabago ng oras ng tulog o pagkain.

Samantala, nalaman din nila na halos kapapanganak lang din ng biktima kaya may kalakihan ang tiyan nito.

Naulila ng biktima ang apat nitong anak at ang kanyang asawa.

Facebook Comments