UPDATE | Bagyong Urduja, palabas na ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw

Manila, Philippines – Papalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Urduja.

Huling namataan ito sa layong 240 kilometers, west northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Napanatili nito ang lakas na hanging aabot sa 45 kph at pagbugsong 60 kph.


Kumikilos ang bagyo pa kanluran-timog kanluran sa bilis na 18 kilometro kada oras.

Wala ng nakataas na storm warning signals.

Sa interview ng RMN kay Palawan P-I-O Gil Acosta – matapos ang ikaanim at ikahuling landfall ng bagyo sa bayan ng taytay, unti-unti nang gumaganda ang panahon.

Samantala, ang Low Pressure Area naman na binabantayan sa labas ng PAR ay huling namataan sa 1,395 kilometers east ng Mindanao.

Facebook Comments