UPDATE | Mga kanseladong flights patuloy na nadaragdagan

Manila, Philippines – Kahit na natanggal na kanina ang Xiamen Airlines sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Patuloy pa ring nadaragdagan ang mga kanseladong flights ngayong araw, August 18 2018.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division nadagdagan pa ng 10 ang mga kanseladong byahe ngayong araw.


Kabilang dito ang mga sumusunog:
5J 590/551 CEB-MNL-CEB
5J 963/964 MNL-DVO-MNL
5J 649/650 MNL-TAC-MNL
5J 771/772 MNL-PAG-MNL
5J 323/324 MNL-LGP-MNL
Sa kabuuan mayroon nang 25 cancelled flights ngayong araw dulot pa rin ng epekto nang nabalahaw na aircraft ng China sa NAIA.

Una nang kinansela ng NAIA ang mga byaheng;
5J 381 CGY-MNL
5J 804 SIN-MNL
5J 040 SYD-MNL
5J 049/050 MNL-MEL-MNL
5J 929/930 MNL-BKK-MNL
5J 5054/5055 MNL-NRT-MNL
5J 110/111 MNL- HKG-MNL
5J 599 CEB-DVO
5J 792 BXU-MNL
5J 991/992 MNL-GES-MNL

Kanina sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hanggang mamayang alas dose ng tanghali ang runway closure kahit na naialis na ang eroplano dahil sa isasagawang clearing operations sa runway.

Facebook Comments