UPDATE | PNP, may person of interest sa pagpatay kay Atty. Benjamin Ramos

36

Mayroon ng person of interest ang Philippine National Police (PNP) sa pagpatay sa human rights lawyer at aktibistang si Atty. Benjamin Ramos.

Gayunman, wala nang ibinigay na iba pang detalye si PNP Region 6 Regional Director Police Chief Superintendent John Bulalacao kaugnay nito.

Kasabay nito, inilatag na ang PNP Region 6 ang mga anggulo kaugnay sa posibleng motibo sa pagpatay kay Ramos.

Kabilang na rito kung may kaugnayan sa trabaho ni Ramos bilang tagapagtanggol ng mga magsasaka.

Gayundin ang nakuha nilang impormasyong mahilig itong magsugal na posibleng nagkaroon siya ng kaalitan.

Facebook Comments