*Jones, Isabela-* Hanggang sa mga oras na ito ay maituturing pa rin na payapa at walang naitalang di kanais nais na pangyayari sa ginaganap na special election sa Barangay Dicamay Uno, Jones, Isabela.
Base sa impormasyon na ipinarating ng tagapagsalita ng PNP Isabela PCapt Frances Littaua, nasa 500 daan na ang nakaboto sa pitong daan at animnaput dalawang registered voter sa naturang lugar at wala rin aberya na naitala sa Vote Counting Machine na kasalukuyang ginagamit sa nasabing barangay.
Ayon naman kay Atty Jerby Cortez, Assistant Regional Director ng COMELEC Region 2, mamayang alas sais ng gabi ay isasara na rin ang botohan at agad na dadalhin sa munisipyo ng Jones ang mga paraphelia upang doon na isagawa ang pagbibilang sa mga ito.
Mas mahigpit na seguridad din ang inilatag ng PNP at AFP upang hindi na maulit ang pangyayari.
Magugunita na idineklarang failure ang halalan ang nasabing lugar matapos sunugin ng mga armadong kalalakihan ang dalawang VCM at mga balota na galing sa Dicamay Uno, Jones kung saan sinasabing mahigit dalawang daan pa ang hindi nabibilang nang maganap ang pagharang sa election paraphelias noong araw ng Martes, May 14, 2019 habang patungo ng minisipyo ang grupo ng mga Electoral Boards (EB) dahil hindi makapag transmit sa Dicamay matapos magkaproblema sa cignal.
Samantala, pansamantalang nakalaya ang dalawa sa pitong suspek na kusang sumuko sa pnp matapos na dna umabot sa inquesable proceeding ang mga kasong isinampa ng PNP gaya ng Arson, Serious Illegal Detention at Robbery at bumagsak sa regular filling ang nangyari sa mga kso ng mga ito.
Ayon kay PCol Mariano Rodriguez, handa ang PNP na dakpin muli ang mga ito kung maglalabas agad ng warrant of arrrest ang hukuman laban sa dalawa na sina Rodel Pascual at Jayson Leaño ng brgy. Santa Isabel, Jones, Isabela.