Upsurge sa COVID-19 cases ngayong Marso, pagbabasehan ng magiging quarantine restriction sa Abril

Posibleng maging basehan ng ipatutupad na quarantine restrictions sa Abril ang panibagong pagsipa ng kaso ng COVID-19 ngayong Marso.

Sa isang panayam, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na patuloy na babantayan ng pamahalaan ang bilang ng COVID-19 cases sa buong buwan ng Marso bago maglabas ng desisyon kung ibababa na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa.

Aniya, mahigpit ding binabantayan ngayon sa Metro Manila ang mga naitatalang kaso ng UK at South African variants ng COVID-19.


Ilang pangunahing ospital din sa rehiyon ang nagsimula nang makaranas ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa mga nakalipas na linggo na inilarawan ng Philippine General Hospital bilang isang “mini outbreak”.

Kaugnay nito, pinulong na ng Department of Health ang mga ospital sa Metro Manila para tugunan ang pagtaas ng hospital admissions.

Facebook Comments