US – binalaan ang Syria sa tangka nitong paggamit ng chemical weapons

Hindi kukunsintihin ng Estados Unidos sakaling tangkain ng Syrian government na gumamit ng chemical weapons kasunod ng pag-pullout ng us troops sa kanilang bansa.

Maalalang pinauwi ni US President Donald trump ang mga sundalong amerikano na nakahimpil sa Syria dahil tapos na raw nila ang kanilang misyon na magapi ang mga militanteng Islamic State.

Ayon kay US national Security Adviser John Bolton – hindi pwedeng gawing dahilan ng Syria ang pullout ng US troops para gumamit ng chemical weapons.


Samantala, nakatakdang magtungo si Bolton sa Israel at Turkey para sa kanyang four-day trip kung saan siya makikipagpulong kina Israeli prime minister benjamin netanyahu at Turkish President Tayyip Erdogan.

Facebook Comments