US Democrats, nababahala sa posibilidad na maulit ang US Capitol attack sakaling pumalya ang impeachment case laban kay Donald Trump

Nagbabahala ang mga Democratic prosecutors na posibleng maulit ang nangyaring pag-atake sa US Capitol kung hindi magtatagumpay ang impeachment case laban kay dating US President Donald Trump.

Ayon kay lead Impeachment Manager Representative Jamie Raskin, sakaling mangari ito ay walang ibang dapat sisihin kung hindi ang kanilang mga sarili.

Dahil dito, hinikayat ng House Impeachment Managers ang US Senate na panagutin si Trump sa kasong ‘insurrectionist’ kasunod ng nangayaring gulo sa US Capitol.


Samantala, patuloy na iginigiit ng kampo ni Trump na wala itong kinalaman sa nangyaring gulo at sinabing ginamit lamang niya ang kaniyang freedom of speech.

Facebook Comments