US, nagdeklara na ng public health emergency laban sa monkeypox virus

Idineklara na ng Estados Unidos ang monkeypox virus bilang isang public health emergency sa kanilang bansa.

Sinabi ni US Health and Human Services Secretary Xavier Becerra, makakatulong ang nasabing deklarasyon para mapaigting pa ang pagkilos ng bansa upang labanan ang outbreak ng sakit.

Sa ngayon, nasa 6,600 kaso na ng monkeypox virus ang naitala sa US mula sa 48 estado nito kabilang na ang Washington DC at Puerto Rico.


Matatandaang, una ng dineklara ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox virus bilang isang Global Health Emergency matapos makapagtala ng mahigit 26,000 kaso sa 87 bansa sa buong mundo.

Facebook Comments