Naglabas ng travel advisory ang US State Department kaugnay sa pagbiyahe ng kanilang mamamayan sa Pilipinas bunsod ng patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19.
Kasunod ito ng inilabas na level 3 health travel notice sa Pilipinas ng US Centers for Disease Control and Prevention.
Batay sa advisory, pinaalalahanan ng US State Department ang kanilang mga mamamayan na pag-isipan ang pagtungo sa Pilipinas.
Nagpaalala rin ang US laban sa pagbiyahe sa Sulu Archipelago, Southern Sulu Sea at Marawi City sa Mindanao dahil sa krimen, terorismo, kaguluhan at kaso ng kidnapping.
Pinayuhan din ng US Government ang mga bibiyahe nilang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline o travel operators para sa mga impormasyon kaugnay ng mga ipinalabas na travel restrictions.