US OPEN | Novak Djokovic, kampeon sa U.S. Open

27

Hindi pinaporma ni Novak Djokovic si Juan Martin Del Potro sa finals para maghari sa 2018 U.S. Open sa Flushing Meadows sa New York.

Tinalo ni Djokovic si Del Potro sa straight sets 6-3, 7-6, 6-3 para makuha ang kaniyang ikatlong U.S. Open title.

Hindi masyadong nagamit ni Del Potro ang kaniyang big serve sa mas consistent na all-around game ni Djokovic.

Matapos makuha ng Serbian ang first set, nabuhayan ng dugo si Del Potro at nagawang makipagsabayan kay Djokovic.

Mula sa 3-1 na paghahabol, nadala pa ng Argentinian na madala ito sa tie-break. Ngunit nanaig pa rin si Djokovic.

Ito rin ang ika-labing apat na Grandslam title ni Djokovic sa kaniyang career.

Tumabla siya kay Pete Sampras sa ikatlong puwesto sa dami ng Grand Slam title.

Facebook Comments