US Pres. Donald Trump, itinangging binantaaan ang Ukrainian President

Itinanggi ni US President Donald Trump na binantaan niya si Ukraine Pres. Volodymir Zelensky sa pamamagitan ng political threat.

Ito’y kasunod ng paglulunsad ng impeachment inquiry ng US Congress laban sa kanya dahil sa pagpipilit niya sa Ukraine na imbestigahan si dating Vice President Joe Biden.

Ayon kay Trump, iginiit ang transcript na inilabas ng White House ay mula sa ikalawang pag-uusap nila sa telepono ni Zelensky.


Marami siyang natatanggap na mga pekeng balita kaya mainam na isapubliko niya ang unang phone conversation.

Inakusahan din ni Trump si House Speaker Nancy Pelosi at Senate Minority Leader Chuck Schummer na nakatutok sa ‘witch hunt’ dahil kaya nilang talunin ang mga Republicans sa kanilang eleksyon.

Facebook Comments