Bahagyang kinilala ni US President Donald Trump ang kaniyang katunggali na si Joe Biden na nagwagi sa US Presidential Election noong November 3.
Nag-post si Trump sa kaniyang twitter at sinabing kaya nanalo ang Democrats presidential candidate ay dahil sa malawakang pandaraya.
Wala aniyang mga vote watcher o observers ang pinayagan na bantayan ang nagaganap na halalan.
Sa ngayon ay hindi pa rin nagco-concede si Trump kung saan nagsampa ito ng reklamo para ipasawalang bisa ang nasabing halalan.
Sa resulta ng US Presidential Election, nakakuha lang ng 232 electoral votes si Trump habang 290 electoral votes si Biden, lampas sa inaasahang 270 upang ideklara itong nanalo sa halalan.
Facebook Comments