US President Donald Trump, bukas sa desisyon ng US Supreme Court hinggil sa ikalawang travel ban nito

Amerika – Welcome para kay President Donald Trump ang desisyon ng US Supreme Court sa ikalawang travel ban na kaniyang pinirmahan.

Tinawag ni Trump na tagumpay sa kanilang national security ang nasabing desisyon ng Korte Suprema.

Ito ay matapos na paburan ng Korte Suprema ang isang bahagi ng ban kung saan nagbabawal sa isang dayuhan na makapasok sa US kapag walang kakilala doon.


Samantala, itinuturing naman na “UN-American” at “islamophobic”ang bagong aprubang travel ban ni US President Donald Trump.

Giit ng 4th US Circuit Court of Appeals sa Richmond, Virginia – posileng idineklara lamang ang travel ban dahil sa ayaw sa relihiyon ng mga Muslim.

Magugunitang iginiit ni Trump na kailangan ang ban nito para sa seguridad ng US dahil sa pag-atake ng mga terorista sa Paris, London, Brussel, Berlin at iba pang bahagi ng mundo.

Facebook Comments