US Senator Edward Markey at kanyang delegasyon, pinayagan na ng korte na mabisita sa kulungan si Sen. Leila de Lima

Pinayagan na ng Korte na makabisita si US Senator Edward Markey at kanyang delegasyon kay Sen. Leila de Lima na nakakulong ngayon sa PNP detention facility sa Kampo Krame.

Sa ilalim ng order mula sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 at 256 na syang humahawak sa drug cases ni De Lima, inaprubahan na ang mosyon para rito.

Bukod kay Markey, kasama rin sa deligasyon ng bibisita sa senadora ang mga mababatas na sina US House of Representatives Alan Lowenthal, John Garamendi, Don Beyer at Aumua Amata Coleman Radewagen.


Kamakalawa nang gunitain ni De Lima ang ika-2,000 araw nito sa loob ng PNP detention facility matapos na sampahan ng drug charges dahil sa umano’y koneksyon nito sa kalakaran ng iligal na droga.

Facebook Comments