Dalawa, sugatan sa shooting incident sa isang shopping mall sa Sweden

88

Dalawa ang sugatan sa naganap na shooting incident sa Emporia shopping center sa southern city ng Malmo sa Sweden.

Ayon sa Swedish police, ang insidente ay isa lamang kaso ng barilan at walang kaugnayan sa terorismo.

Agad ring nahuli ng mga pulis ang isa sa mga suspek habang patuloy ang manhunt operation laban sa iba pa.


Patuloy rin ang imbestigasyon ng otoridad sa motibo ng naturang shooting incident.

Facebook Comments