Nakahanda na ang mga kilos-protesta kasabay ng inaasahang paglalabas ng hatol ng korte laban kay Derek Chauvin, ang pulis na dumagan sa leeg ni George Floyd hanggang sa ito ay malagutan ng hininga noong May 2020.
Sinasabing umabot ng tatlong linggo bago natapos ng 12 jurors ang pagkuha ng testimonya sa 45 witness sa itinuturing na “most high-profile US case.”
Una nang naghain ng “not guilty” plea sa second-degree unintentional murder, third-degree “depraved mind” murder and second-degree manslaughter si Chauvin.
Ipinagdasal naman ni US President Joe Biden ang tamang hatol sa dating Minneapolis police.
Facebook Comments