USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Pinuno ng tribo na kaanib ng NPA sumuko sa militar sa Davao del Norte

Davao del Norte – Sumuko sa militar ang isa sa pinuno ng maipluwensyang tribo o Tribal Chieftain na kaanib sa New People’s Army (NPA) sa Talaingod, Davao del Norte.

Kinilala ito ni Philippine Army Spokesperson Lieutenant Colonel Villanueva na si Datu Gibang Apoga founder ng Salugpungan Tuno Igkatuno na sumuko sa 56th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Sa impormasyon din ng militar ang sumukong Tribal Chieftain ay chairman ng underground movement organization sa Talaingod Daval del Norte.


Isinuko rin ni Apoga ang kanyang M16 rifle sa tropa ng militar.

Tiniyak naman ng 10th Infantry Division na magpapatuloy sila sa kanilang mandatong protektahan ang komunidad lalo na ang mga katutubo laban sa mga terorista.

Facebook Comments