Baguio, Philippines – Limampung kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng District 9, 19 at Honeymoon Barangay ang nagsama-sama at dumalo sa Open Ground ng Doña Aurora Elementary School, Aurora Hill, Baguio City kung saan ginanap ang Kabataan Kontra Droga At Terorismo o KKDAT Forum.
Pinangunahan ang nasabing forum nina Station Commander Police Captain Luis Dangatan JR. ng Baguio City Police Office (BCPO) station 6 kasama din ang Station Advisory Council (SAC) sa pamumuno ni Honorable Chairman Nicanor N. Nialla at ni Ms. Rhea Tan na presidente ng KKDAT ng Aurora Hill kasama ang ilang mga myembro nito.
Pinag-usapan sa nasabing Forum ang usapin patungkol sa RA 9165 o COMPREHENSIVE DANGEROUS. DRUGS ACT OF 2002 at Anti-Terrorism Awareness at kahalagahan para sa totoo at magandang layunin sa buhay para sa kabataan.
Samantala, Naghatid naman ng mensahe sa mga lumahok sina Hon. Levy Orcales, Chief City Police Community Affairs and Development Unit, Police Major Joel Kindipan Dumar, Ang BCPO at mga Punong Barangay ng Aurora hill bago ang Open forum at pagpirma sa Pledge of Commitment ng organisasyon ng KKDAT.
iDOL, sana marami pang mga ganitong pag-uusap sa lahat ng barangay!