Itinalaga ng Malacañang si Undersecretary Ernesto Perez bilang Officer-In-Charge ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Based sa memorandum na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, si Perez na kasalukuyang deputy director general for operations ng ARTA ay magiging OIC hanggang June 30, 2022.
Ang pagkakatalaga rito ay kasunod ng pagsuspinde ng anim na buwan ng Office of the Ombudsman sa limang ARTA executives, kasama si Director General Jeremiah Belgica dahil sa kasong graft na inihain ng mga opisyal ng Dito Telecommunity Corp. laban sa mga ito.
Si Perez ay isang abugado at Certified Public Accountant (CPA), nagsilbi siya bilang Assistant Secretary ng Department of Trade and Industry (DTI) – Consumer Protection Group bago na-assign sa ARTA noong December 18, 2018.