Usec. Vergeire, ikinatuwa ang pagkakasama niya sa Top Cabinet Members ng Marcos administration para sa unang Quarter ng taong 2023

Ikinalugod ng Department of Health (DOH) ang pagkilala kay DOH Officer-In-Charge Dr. Ma. Rosario Singh-Vergeire bilang isa sa Top Cabinet Members ng Marcos administration para sa unang Quarter ng taong 2023.

Ito ay base sa lumabas na resulta ng PUBLiCUS Asia Inc. survey kung saan si Vergeire ay Top 5 sa hanay ng Cabinet members na may maayos na performance.

Pasok din si Vergeire sa top 3 bilang as Best Cabinet Member.


Kasama rin sila Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte na nakakuha ng una at ikalawang pwesto para sa dalawang survey results.

Tiniyak naman ng DOH OIC na lalo pa nilang pagbubutihin ang kanilang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa sambayanan.

Partikular ang pagsusulong sa anila’y abot kamay nang Universal Health Care.

Facebook Comments