
Sumipa na sa halos 249 thousand na pamilya, o katumbas ng mahigit 631thousand na indibidwal, ang bilang na apektado ng tagtuyot o El Niño sa anim na rehiyon sa bansa.
Base sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development – Disaster Response Management (DSWD-DRM) kagabi, November 24, 6 p.m., nagmula ang nasabing datos sa mahigit 2,600 na barangay sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, BICOL REGION, SOCCKSARGEN, at CARAGA.
Umakyat na rin sa mahigit P315-million, mula sa mahigit P312-million, ang halaga ng humanitarian asssistance na naipaabot ng ahensya sa mga apektadong indibidwal, habang may mahigit P5-billion pa namang available funds ang ahensya, para sa patuloy na pamamahagi ng tulong.
Samantala, wala pa namang naitatala ang ahensya ng mga pamilya na nasa evacuation center o nakikitira sa kakilala o kaibigan dahil sa nasabing sakuna.










