Kaugnay ito ng gagawing unofficial quick count ng Commission on Election (COMELEC) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Kabilang sa health protocols ang pagdaan sa body temperature check at paggamit ng Stay Safe App para sa contact tracing bago papasukin sa mismong gusali ng UST.
Kanina, itinayo na ng PPCRV ang pasilidad na gagamitin nila para sa unofficial quick count sa Lunes.
Ang PPCRV ay tatanggap din ng mga incident report sa botohan at agad itong ipapasa sa COMELEC para sa kaukulang aksyon.
Kabilang na rito ang posibleng tensyon o mararanasang problema sa transmission ng mga boto.
Bukod sa PPCRV, ang UST ay magsisilbi ring Transparency Media Server ng COMELEC na pagkukunan ng datos sa resulta ng botohan ng mga partido pulitikal at iba pang election watchdogs kasama na ang media.