Daan-daang OFWs, dumadagsa na rin sa polling centers sa UAE

52

Daan-daang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Northern Emirates ang dumadagsa ngayon para bumoto sa polling centers sa Dubai, United Arab Emirates.

Partikular ang Filipino voters mula sa Fujairah, Ras Al Khaimah, Umm Al Quwain, at Ajman sa UAE.

Nag-provide na rin ang Philippine Consulate General sa Dubai at ang Comelec, ng libreng shuttle service para hindi mahirapan magtungo sa polling precinct ang OFWs.


Dahil naman sa patuloy na pagdagsa ng Filipino absentee voters, magdadagdag ang konsulada ng shuttle service lalo na’t hanggang sa Lunes na lamang ang overseas absentee voting.

Tumutulong na rin sa paghahakot ng mga botante ang Filipino Community sa UAE.

Facebook Comments