Lumobo pa hanggang ₱10 trillion ang utang ng Pilipinas hanggang nitong buwan ng Oktubre.
Ito ang inanunsiyo ng Bureau of Treasury kung saan mas mataas anila ito ng 26.8 percent mula sa ₱7.91 trillion na kabuuang utang noong kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa BOT, kabilang na rito ang mga inutang ng gobyerno para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Bukod diyan, ginamit rin ang iba pang inutang para sa mga proyekto ng pamahalaan matapos na bumaba ang mga buwis na nakolekta dahil na rin sa pagtigil ng ekonomiya noong kasagsagan ng mga umiiral na lockdown.
Kasunod nito, inaasahang papalo pa sa ₱10.16 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas ngayong pagtatapos ng taon.
Facebook Comments