
Lumobo pa ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2025.
Ayon sa Bureau of Treasury, pumalo sa P17.71 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas hanggang nitong Disyembre ng nakaraang taon.
Mas mataas ito ng P1.66 trillion o mahigit sampung porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2024.
Ayon sa Treasury Bureau, ito ay dahil sa mga pinondohang development programs at paghina ng halaga ng piso kontra sa dolyar at iba pang currencies.
Sa mahigit P17 trillion na utang ng Pilipinas, P12.12 trillion ang utang panloob o domestic debt habang P5.59 trillion naman ang utang panlabas na mula sa mga bagong global bonds, development assistance mula sa international development partners at epekto ng pabago-bagong foreign exchange rate.
Sa kabila nito, tiniyak ng pamahalaan na manageable pa rin ang utang ng bansa.










