Utos ni Pangulong Duterte na pumipigil sa pagdalo ng ilang Cabinet members sa nagpapatuloy na pagdinig sa Senado, ipinapakonsidera ng grupo ng mga abogado

Ipinapasilip muli ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang direktiba na nagpipigil sa mga Cabinet members na dumalo sa nagpapatuloy na pagdinig ng senado tungkol sa overpriced pandemic supplies na binili ng pamahalaan.

Ayon sa pahayag ng IBP, responsibilidad ng gobyerno na labanan ang korapsyon at hindi maging sagabal sa anumang imbestigasyong ginawa para malaman ang pinagmulan at kilalanin ang mga sangkot dito.

Nanawagan din ang grupo sa ehekutibo at sa mga mambabatas na magtulungan na lamang para maresolba ang nasabing isyu.


Samantala, ipinapabawi naman ng Philippine Bar Association (PBA) sa pangulo ang isa pa nitong direktiba sa mga pulis at militar na huwag pansinin ang warrants na nagmumula sa Senado.

Giit ng PBA, sinisira nito ang check and balances ng gobyerno at sinusuway ang doctrine of separation of powers ng tatlong sangay ng pamahalaan na nakapaloob sa Konstitusyon.

Facebook Comments