VACC, pinagbibitiw sa pwesto ang dalawa pang opisyal ng Philhealth

Naniniwala ang Volunteers Against Crime And Corruption o VACC na dapat nang magbitiw sa pwesto ang dalawa pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

 

Ayon kay VACC President Arsenio Evangelista, kasalanan daw ng chief technical officer at chief information officer na hindi na niya pinangalanan kung bakit mas lalo pang lumala ang problema sa Philhealth.

 

Hindi din daw nagawang maayos ng mga ito ang software systems, business process rules at centralized patient health management records para mapigilan sana o mahinto ang mga “ghost” kidney treatments at billings nito.


 

Inihalimbawa pa ni Evangelista ang isiniwalat noong 2007 ng dating PhilHealth Vice President Dr. Madeleine Valera sa congressional hearing na mula 1995 hanggang 2007 ay nalugi ng apat na bilyong piso ang ahensiya dahil sa mga bogus na claims.

 

Bukod dito, kwestiyonable din ang nailabas na P12.69 billion bayad sa hospital bills ng 810,000 na miyembro ng philhealth na tinamaan ng pneumonia.

Facebook Comments