VACC, umapelang sibakin sa pwesto ang mga pulis na nag-imbestigas sa Bulacan Massacre

Manila, Philippines – Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na sibakin sa pwesto ang mga pulis na nag-iimbestiga sa Bulacan Massacre.

Ito’y kasunod ng mga pagpaslang sa tatlong persons of interest na iniuugnay sa pagpatay sa pamilya ni Dexter Carlos.

Sa interview ng RMN kay Chairman Dante Jimenez – hindi nila nahawakan ng maayos ang kaso.


Aniya, nawawalan na ng saysay ang pag-usad ng kaso.

Dagdag pa ni Jimenez, dapat ang National Bureau of Investigation (NBI) na ang humawak ng kaso.

Umaasa ang VACC na masasagip ng mga awtoridad ang nadukot na isa pang persons of interest.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments