Vaccination cards, kailangan nang ipakita sa pagdine-in sa mga restaurant

Ipapakita na ang vaccination cards ng mga costumer na magda-dine-in sa mga restaurant simula ngayong araw.

Kasabay ito ng pagsisimula na ng pilot implemtentation ng bagong alert system at granular lockdown sa Metro Manila.

Ayon kay Eric Teng, Presidente ng Restaurants Owners of the Philippines (Resto PH), kailangan nang iprisenta ang mga vaccination cards o mga katibayan na fully vaccinated na ang mga customer bago payagang makapag-dine-in sa mga kainan.


Titiyakin din ng grupo na nabakunahan na ang lahat ng empleyado ng mga restaurants at mahigpit na ipapatupad ang health protocol.

Matatandaang simula ngayong araw ay papayagan na ang dine-in pero limitado lamang ito sa 10%.

Facebook Comments