Vaccination program sa Caloocan City, tiniyak na hindi maaapektuhan ng ipapatupad na ECQ

Courtesy: Mayor Oscar "Oca" Malapitan

Inihayag ng Caloocan City Government na hindi ititigil ang pagbabakuna sa lungsod kahit nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20.

Sa abiso ng Lokal na Pamahalaan ng Caloocan, manatili lamang na mag-antabay ang mga residente sa ilalabas na anunsyo ng schedule ng vaccination.

Kaugnay nito pinulong na ng Local Government Unit (LGU) ang 188 barangay kapitan ng lungsod para paghandaan ang ipapatupad na ECQ.


Tinalakay sa pulong ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa lungsod at ang magiging papel ng bawat barangay sa muling pagbabalik ng ECQ.

Facebook Comments