Vaccination rollout sa Pasay City, tuloy ngayong araw kahit may bagyo

18

Tuloy ang mga scheduled vaccination sa Pasay City sa kabila ng epekto ng Bagyong Dante.

Pasado alas-7:00 ng umaga kanina nang simulang magdatingan ang mga magpapabakuna sa Timoteo Paez Elementary School para sa first dose ng vaccination.


Kabilang dito ang mga nasa A2 at A3 priority group.

Tuloy rin ang vaccination activity sa Barangay 194 covered court, Villamor Airbase Elementary School at Pasay-SM MOA Giga Vaccination Center.

Para naman sa tatanggap ng 2nd dose ng Sinovac, isasagawa ang vaccination sa Pasay City West High School.

Paalala sa mga magpapabakuna ng 2nd dose ay huwag kalimutang dalhin ang inyong vaccination card.



Facebook Comments