Dating rapper ng grupong Ex-Battalion na si Jon Gutierrez, nahaharap sa kasong concubinage

727

Nagsampa ng panibagong legal complaint ang social media personality at aktres na si Jelai Andres laban sa kanyang asawang si Jon Gutierrez na dating rapper ng grupong Ex-Battalion.

Ang reklamong concubinage ang isinampa ni Jelai laban sa asawa sa Department of Justice matapos na aminin ni Jon na may matagal na itong itinatagong kalaguyo.


Maliban kay Jon, dawit din sa kaso ang dalawa pang personalidad na hindi pinangalanan ng aktres.

Say ni Jelai, kailangan daw niya itong gawin para mabigyan niya ng proteksiyon ang sarili at ipaglaban ang kanyang karapatan para hindi na tapaktapakan ang kanyang pagkatao bilang isang babae.

Sa ngayon ay inaayos na ni Jelai ang annulment nila ni Jon matapos na pumutok sa social media ang cheating scandal ng rapper.

Facebook Comments