Cauayan City, Isabela- Dumating na sa lalawigan ng Batanes ang SINOVAC vaccine sakay ng 096 at 102-unit Black hawk Helicopters ng lumapag ito sa Basco Terminal Airport.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Roel Nicolas, nasa 277 vaccine ang hahatiin sa tatlong hospital na kinabibilangan ng Batanes General Hospital, Itbayat District Hospital at ang iba naman ay ilalaan sa mga nurses na nakatalaga sa quarantine facilities.
Sa ngayon, nasa pangangalaga ng PHO Basco ang nasabing bilang ng mga bakuna bago ito ipamahagi sa mga nabanggit na ospital.
Samantala, mahigpit pa rin ipapatupad sa probinsya ang 14-day mandatory strict quarantine ng lahat ng mga uuwi sa probinsya habang 7-days quarantine naman ang ipapatupad sa mga kabilang sa APOR (Authorized Persons Outside Residence) at kinakailangang sumailalim sa RT-PCR test.
Umaasa naman ang PLGU Batanes na mas marami pang Ivatan ang matuturukan ng bakuna upang matiyak na ligtas ang mga ito sa banta ng COVID-19.