Welcome sa pamahalaan ang pagkakaroon ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Sinopharm.
Gayunman, sinabi ni Dr. Napoleon Arevalo, Director IV ng Department of Health (DOH) sa Laging Handa public press briefing na pag-aaralan pa ng vaccine cluster task groups kung kailangan ding makabili ng suplay ng Sinopharm para magamit sa vaccination program ng pamahalaan.
Sa ngayon, tanging ang isang libong doses ng Sinopharm vaccines ang nasa bansa na mula sa China, na siya ring itinurok na bakuna kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na ang EUA na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) sa Sinopharm ay para lamang sa isang milyong doses na donasyon ng China.
Kung kukuha man aniya ng suplay ng Sinopharm ang pamahalaan para sa vaccination program, kailangan pang mag-aplay ng hiwalay na EUA sa FDA.