Patuloy na bumababa ang pagdududa ng mga Pilipino sa COVID-19 vaccines ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa isinagawang survey noong December 2021, lumabas na 8% na lamang sa mga Pinoy ang ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Ito ay mas mababa kumpara sa 18% na resulta noong September; 21% noong June 2021; at 33% noong May 2021.
Nabatid na nasa 1,440 ang nakilahok sa SWS survey kung saan hinati ito sa tig-360 sa Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Facebook Comments