17 anyos na Pinay, kahanay nina Bill Gates sa listahan ng mga kilalang computer programmers ng isang website

629

Pasok ang isang 17 anyos na Pinay mula sa Antipolo City sa listahan ng “7 Famous Computer Programmers who started Programming at an Early Age” ng website na Interesting Engineering.

Kahanay ni Isabel Sieh sa listahan sina Bill Gates ng Microsoft at Mark Zuckerberg na founder ng Facebook.

Kwento ni Isabel, bata pa lamang talaga siya ay nahilig na siya sa games kung kaya’t naging interesado na rin siya sa coding at computer programming lalo na’t makakabuo rito ng softwares, apps, websites, at kahit mga laro.


Sa ngayon ay nakapagpatayo na sila ng coding school na layong turuan ang mga kapwa kabataan na interesado sa ganitong linya.

Facebook Comments