Pilipinas, wagi kontra Thailand sa 2022 AFC Women’s Asian Cup

39

Nagwagi ang koponan ng Pilipinas laban sa Thailand sa 2022 AFC Women’s Asian Cup na ginanap sa D.Y. Patil Stadium sa Navi Mumbai, India.

Ito ay makaraang makapuntos si Chandler Mcdaniel sa ika-81 minuto ng laro para magtapos ang laban sa score na 1-0.

Dahil sa kanilang panalo, ito ang unang pagkakataon na nagwagi ang Pilipinas laban sa Thailand makalipas ang 13 nilang paghaharap.


Sa ngayon, mayroon na ring 1-0 na record ang Pilipinas at kasama ng Australia na nangunguna sa Group B ng 2022 AFC Women’s Asian Cup.

Facebook Comments