Kumikilos na ang mga vaccine manufacturer para makagawa ng bakuna laban sa bagong COVID-19 variant na na-detect sa South Africa.
Ayon kay Pfizer CEO Albert Bourla, noong Biyernes ay gumawa na sila ng pinakauna nilang DNA template para sa paggawa ng bersyon ng COVID-19 vaccine nito laban sa Omicron variant.
Kumpiyansa rin si Bourla na gagana ang kanilang antiviral pill na Paxlovid bilang gamot sa mga impeksyong dulot ng COVID-19 mutations kabilang ang Omicron.
Samantala, pursigido rin ang Johnson & Johnson na makagawa ng Omicron-specific variant vaccine.
Booster shot naman laban sa Omicron ang tinatrabaho ngayon ng Moderna.
Sabi ni Moderna CEO Stephane Bancel, aabutin pa ng ilang buwan bago maka-develop ng bakunang para talaga sa Omicron varinat.
Sa halip, gagawa sila ng 100-microgram dose ng kanilang booster shot na posibleng maging available agad sa 2022.